Papalayo sa bansa ang Chinese research vessel na huling na-monitor sa karagatang sakop ng Palawan.
Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, batay sa monitoring nila ngayong araw nasa 17 nautical miles West Northwest ng Lubang, Occidental Mindoro ang Lan Hai 101.
Nasa 12 knots umano ang bilis nito at pabalik na ng China.
Paliwanag ni Trinidad, wala namang paglabag ang Chinese research vessel dahil pasok ito sa innocent passage.
Nabatid na noong unang na-monitor ang barko, agad nagpadala ng radio challenge ang Pilipinas kung saan, sinagot sila nito at sinabing umiiwas lamang sa maalong karagatan sa kanlurang bahagi ng Palawan.
Iginiit din ng nasabing Chinese Research Vessel ang innocent passage sa naturang karagatan, kaya’t nagsilbing escort ang Navy vessel na BRP Andres Bonifacio at BRP Melchora Aquino ng Philippine Coast Guard. | ulat ni Diane Lear