Photo courtesy of Department of Agriculture – Caraga
Opisyal nang tinurn-over ng Department of Agriculture – Caraga ang dalawang palapag na Organic Agriculture Hub Building sa Sibagat Organic Farmers Association o SOFA.
Ang proyekto ay pinondohan ng DA – Caraga sa halagang P3.1 milyon at kauna-unahang naitayo sa rehiyong Caraga.
Nilalayon ng SOFA na makilala bilang pangunahing food basket ng organic farming, ‘di lamang sa munisipyo kundi sa buong rehiyon.
Ayun kay SOFA Chairperson Allan Perez, pursigido ang kanilang grupo na pagsamahin ang produktong organiko, palakasin at ipagtibay ang market linkages, lalo na’t mayroon silang tinutulungang 12 bagong sibol na Farmers’ Cooperative Associations (FCAs).
Ang pamahalaang lokal ng Sibagat ang siyang kauna-unahang benipisyaryo sa Caraga region ng Organic Agriculture Livelihood Project (OALP) sa ilalim ng National Organic Agriculture Program
Bilang benepisyaryo, kasama sa natanggap na interbensyong ipinagkaloob ng DA-Caraga ang hauling truck na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.