Dating gwardya, nagwala sa Lungsod ng Maynila, suspek tinangkang mang-agaw ng baril sa pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking nagpanggap na pulis at nagwala sa Tondo, Maynila.

Nagsimulang uminit ang ulo ng lalaking suspek matapos maingayan sa busina ng mga motorista.

Dahil dito isang rider ang kanyang nakaaway at nagkaroon ng habulan.

Namagitan naman ang isang pulis pero pati siya ay nakatikim ng suntok mula sa suspek.

Nagtangka din itong agawin ang baril ng pulis.

Noong pinagtanggol ng pulis ang kanyang sarili, lumakas ang loob ng ilang bystander at pinagsusuntok ang suspek.

Pati ang nakaalitan ng suspek ay nakasingit din ng suntok kaya’t duguan ang suspek.

Ayon kay PLTCOL. Alvin Baybayan, ang station commander ng Moriones Police Station hanggang sa istasyon ng pulis ay sinusugod ng suspek ang mga pulis.

Patong patong na kaso ang haharapin ng arestadong suspek kabilang na ang alarm and scandal, resistance and disobedience to a person in authority, usurpation of authority, at direct assault. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us