Tiniyak ng Department of Finance (DOF) ang pagpapatupad ng mga hakbang upang lalo pang paunlarin ang pamumuhunan sa Filipino workforce bilang tugon sa mga nakamit sa nagdaang World Economic Forum sa Switzerland.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, alinsunod ito sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang unemployment rate, pagbibigay ng de-kalidad na trabaho sa pamamagitan ng public-private partnership at upskilling programs.
Sa nakatakdang pirmahan ngayong buwan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprise to Maximise Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act, inasahan ng DOF na magbubukas ito ng maraming oportunidad sa labor market.
Pinapalakas din ang mga programa upang gawing mas employable ang mga manggagawa at ihanda sila sa trabaho lalo na sa pagpasok ng Artificial Intelligence.
Kasama rito ang pagpapatupas ng Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework at ang AI Strategy Roadmap 2.0 na naglalayong palakason ang kasanayan ng mga Pilipino sa makabagong teknolohiya.
Siniguro rin ng gobyerno ang tulong sa mga returning OFWs lalo na sa harap ng pagbabago ng Immigration policies sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes