Photo courtesy of DPWH
Magagamit na ng mga residente ang dalawang bagong tulay na ipinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Maasin at Janiuay, Iloilo Province.
Ang Tubang Bridge project na 60-lineal meter concrete bridge ay magkokonekta sa mga residente ng Barangay Tubang at 11 katabing barangay.
Hindi na rin mahihirapan pumunta sa palengke, paaralan, pagamutan at tanggapan ng gobyerno ang mga residente sa munisipilidad ng Janiuay dahil sa itinayong tulay sa Barangay Quipot.
Ayon kay DPWH Region 6 Director Sanny Boy Oropel bukod sa ligtas at maayos na transportasyon, makakatulong din ang nasabing tulay sa pagpapalago ng turismo sa lalawigan ng Iloilo.
Nagkakahalaga ng P28 milyon ang nasabing mga tulay. | ulat ni Don King Zarate
