Photo courtesy of DSWD-Bicol
Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng pagbaha sa bayan ng Juban, Sorsogon, dulot ng shear line nitong Miyerkules, February 5, 2025.
Kabuuang 294 family food packs ang naipamahagi sa pitong barangay na lubhang nasalanta ng matinding pagbaha, kabilang ang Binanuahan, Catanagan, Biriran, Embarcadero, Calateo, Bacolod, at Puting Sapa.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang DSWD sa iba pang local government units (LGUs) sa rehiyon upang magbigay ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng shear line. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP Albay