Sa gitna ng nananatiling isyu ng teenage pregnancy sa bansa, pinapalakas pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga serbisyo nito para sa adolescent moms.
Ayon sa DSWD, mahalaga ito para matiyak ang kanilang psycho-social well-being habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang magulang sa murang edad.
Kabilang sa proyekto ng DSWD ang “ProtecTEEN” na layong makibahagi sa iba’t ibang inisyatiba ng gobyerno para maiwasan ang teenage pregnancy at mabawasan na rin ang mga panganib na kinakaharap ng mga dalagang ina.
“The ProtecTEEN project is the agency’s intervention strategy that strives to address the issue of teenage pregnancy. It is the only project in the country which provides a comprehensive package of services for adolescent mothers and their families,” PDO Gianan
Isa itong psychosocial-centered support na nakatutok sa pagtugon sa mga hamong kinahaharap ng adolescent mothers gayundin ng kanyang pamilya.
Kabilang sa interventions sa ilalim nito ang family healing sessions; family case management; employment, livelihood at educational assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸 DSWD