Nakatakdang makipag pulong si DFA Secretary Enrique Manalo kay US State Secretary Marco Rubio upang pag-usapan ang kooperasyon ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
Aniya na nakatakda siyang magtungo sa Munich Security Conference sa Germany upang magkaroon sila ng pag-uusap sa magiging lagay ng relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Manalo, kabilang sa nakatakdang pag-usapan ay ang trilateral meeting sa pagitan ng US, Japan, at Pilipinas.
Sa huli positibo naman si Manalo na mananatili ang magandang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos sa hinaharap. | ulat ni AJ Ignacio