Halos ₱2-B halaga ng TV at laptops, ipadadala ng DepEd sa mahigit 62,000 paaralan sa ikalawang semestre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang ginagawang hakbang ng Department of Education (DepEd) upang maisakatuparan ang mga naisin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang digitalisasyon sa sektor ng edukasyon.

Kasunod nito, nakatakdang simulan ng kagawaran ang pamamahagi ng mahigit 62,000 laptop at Smart TV sa mga paaralan mula sa 16 na rehiyon sa bansa sa ikalawang semestre ng taon.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, bahagi ito ng tagumpay ng Early Procurement Activities na siyang pangako ng Pangulo sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong isang taon.

Magugunitang napabilis ang pagbili ng mga kagamitang kailangan sa pag-aaral ng mga estudyante mula nang umupo si Angara sa DepEd.

Ipinagpatuloy ito ng DepEd sa kabila ng ₱10 bilyong pisong budget cut para sa kanilang alokasyon sa kasalukuyang taon na nakalaan sana sa computerization program ng kagawaran. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us