House speaker Romualdez at ilan pang Kongresista, sasampahan ng kaso ng Citizen’s Crime Watch

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasampa ng kasong kriminal sa Quezon City Prosecutors Office ang Citizens Crime Watch laban kay House Speaker Martin Romualdez at ilan pang Kongresista.

Ayon kay Diego Magpantay, Pangulo ng Citizen’s Crime Watch, kasong falsification of legislative documents ang isasampa sa kanila dahil sa umanoy insertion ng Php 241 Billion sa National Budget o General Appropriations Bill.

Kasama din sa tatayong complainant si Davao Del Norte Congressman at dating House Speaker Bebot Alvarez.

Bukod kay Speaker Romualdez damay din sa kaso sina Appropriations Committee Chairperson Congresswoman Stella Quimbo, dating House Appropriations Committee Chairman Congressman Zaldy Co, House Majority Leader Mannix Dalipe, at ilan pang John Does.

Sinabi naman ni Alvarez, na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binibigyan ng kopya ng enrolled bill. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us