Ika-anim na Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Australia, Japan, at US, matagumpay na naisagawa, ayon sa AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinatunayan ng Pilipinas, Australia, Japan, at Estados Unidos ang kanilang matibay na pagkakaisa para sa seguridad at kooperasyon sa Indo-Pacific Region sa katatapos lamang na ika-6 na Multilateral Maritime Cooperative Activity.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), matagumpay na natapos ng apat na bansa ang naturang aktibidad na isinagawa sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas kahapon.

Kabilang sa mga lumahok na assets ng Pilipinas ang ang BRP Jose Rizal at ang Search and Rescue ng Philippine Air Force.

Samantala, nagpadala ang Australia ng HMAS Hobart (DDG39) at P-8A Poseidon, habang ang Japan ay lumahok gamit ang JS Akizuki (DD115). Kasama rin sa aktibidad ang USS Benfold (DDG65) at P-8A Poseidon ng US.

Iba’t ibang pagsasanay ang isinagawa upang mapalakas ang koordinasyon at interoperability ng apat na bansa kalahok. Kabilang dito ang mga sumusunod:

*Communication Check Exercises (COMMEX)
*Maritime Domain Awareness at Contact Reporting
*Division Tactics at Officer of the Watch Maneuver (DIVTACS/OOW)
*Photo Exercise (PHOTOEX) at
*Anti-Submarine Warfare (ASW) Exercises.

Samantala, sinabi ng AFP may namonitor silang mga barkong pandigma ng China kasabay ng exercise, ngunit hindi naman ito nanghimasok sa isinagawang aktibidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us