Pinadeport na ng Gobyerno ng Pilipinas ang isang high-profile fugitive wanted na sangkot sa terorismo at iba’t ibang krimen sa India.
Nahuli ng Bureau of Immigration’s (BI) Fugitive Search Unit (FSU) si Joginder Gyong sa Bacolod City at pansamantalang na detained sa Pilipinas para sa deportation.
Ang suspek ay sangkot din sa pagpatay, extortion, kidnapping for ransom, na target ay mga businessmen at professionals.
Dahil sa mga marumaldumal na krimen , pagkakasangkot sa iligal na droga at armas, nailagay pa si Gyong sa Interpol red notice at open arrest warrant na in-issue ng Indian courts.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pagkakahuli sa isang high-profile fugitive wanted sa Pilipinas ay isang mensahe na hindi ligtas pagtaguan ng mga kriminal ang Pilipinas.
Ito ay base na rin sa paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kontra sa transnational crime. | ulat ni Don King Zarate