Lab for All Caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, umarangkada sa Navotas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala ngayong araw sa Navotas Sports Complex sa Navotas City ang “Lab for All: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat!” ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Pinangunahan mismo ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagbubukas ng caravan na dinagsa ng mga residente ng lungsod.

Kumpleto ang serbisyong alok sa caravan kabilang ang libreng laboratoryo, konsultasyon, at gamot para sa lahat.

Layon ng Lab for All na ibaba sa mga komunidad at mga ordinaryong Pilipino ang mga serbisyong medikal tungo sa pagpapalakas ng sektor ng kalusugan ng bansa.

Bukod naman sa serbisyong medikal, may iba pang serbisyong inialok sa mga Navoteño mula sa iba’t ibang government agencies at private sector partners.

Kabilang dito ang Senate Public Assistance Office na may assistance para sa medical and social assistance requests; ang Department of Agriculture na namahagi ng libreng seed packets, seedlings; TESDA – CAMANAVA at Go Negosyo na nagbigay ng libreng coaching at mentoring para mapalago ang kanilang mga negosyo; at Public Attorney’s Office para sa legal consultation.

Libre ang mga serbisyo para sa lahat hanggang mamayang alas-3 ng hapon.

Hinikayat lamang ang mga magtutungo na magdala lang ng PhilHealth Member Data Record, ID, at NavoRehistro QR Code. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us