Mahigit 300 indibidwal na apektado ng pagbaha sa Puerto Princesa City, Palawan, tinulungan ng Philippine Red Cross

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa Brgy. San Manuel, Puerto Princesa City, Palawan dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng shearline at amihan.

Nagpadala ng rescue teams ang PRC Palawan Chapter upang magbigay ng agarang tulong sa mga na-trap na pamilya.

Bukod dito nagtayo rin ang PRC ng hot meal stations sa evacuation centers para matiyak na may pagkain ang mga lumikas na residente.

Naglagay rin sila ng PRC Welfare Desks sa Manuel Austria Memorial Elementary School sa Brgy. San Manuel at Gregorio Oquendo Memorial School sa Brgy. Milagrosa kung saan umabot sa 365 indibidwal ang natulungan.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, patuloy na mino-monitor ng PRC sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa PRC Palawan Chapter upang matiyak ang tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us