Malawakang fogging at spraying kontra dengue sa QC, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy na ang pinaigting na hakbang ng Quezon CityLGU bilang tugon sa dengue outbreak sa lungsod.

Kasama rito ang kaliwa’t kanan nang spraying/fogging sa mga cluster areas sa lungsod pati na ang mga eskwelahan.

Nitong weekend, isinagawa ito sa Barangay Unang Sigaw, Barangay Marilag, at maging sa mga eskwelahan tulad ng Project 3 Elementary School at Marilag Daycare Center sa pangunguna ng mga barangay.

Bukod dito, tuloy-tuloy pa rin ang pagkonsulta sa mga Health Center para sa mga pasyenteng posibleng may dengue.

Isinasagawa rito ang dengue test, case investigation, at active case finding sa layuning matukoy ang mga bagong kaso at mapigil ang lalo pang pagdami ng dengue sa komunidad.

Una nang hinikayat ng pamahalaang lungsod ang mga residente na huwag nang palalain ang sintomas o mag-self medicate at magpakonsulta na kung may sintomas ng dengue. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us