Karagdagang 171 na titulo ng lupa ang naipamahagi ng Manila LGU kung saan abot-langit ang ngiti at pasasalamat ng mga benepisyaryo nito.
Ayon sa Manila Public Information Office ang mga lupa ay binili ng LGU sa dating may-ari at ipinagkaloob sa mga residente na nagtayo ng bahay doon.
Kabilang sa mga nakatanggap ng titulo ay nagmula sa:
- Third District of Manila – 20 awardees
- Second District of Manila – 13 awardees
- Fifth District of Manila – 132 awardees
- Sixth District of Manila – 6 awardees
Sa ilalim ng Land for the Landless Program (LLP) ng Manila LGU, aabot na sa 775 LLP beneficiaries ang nabigyan ng titulo.
Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na patuloy ang kanilang pagsusumikap para mapunan ang backlog sa pabahay nang patas at may transparency. | ulat ni Don King Zarate