Mas mababang interest rate sa salary at calamity loans, target ng SSS ngayong 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaplano ng Social Security System (SSS) na magpatupad ng mas mababang interes sa salary loan at calamity loan programs nito ngayong 2025.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro, dahil sa matatag na investment portfolio ng SSS, posible nang muling suriin ang interest rate ng salary at calamity loan programs, at mapataas ang cash proceeds mula sa loan applications ng mga miyembro nito.

Sa kasalukuyan, ang interest rate para sa mga loan program ng SSS ay nasa 10% kada taon.

Bukod naman dito, nirerebyu na rin ng SSS ang guidelines sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program para gawing simple ang requirements at verification processes sa mga pensioner.

Pahuhusayin din ang collection compliance sa mga self-employed professionals gaya ng accountants, doctors at engineers.

“These plans and programs reiterate our message last month prioritizing service excellence first and foremost while ensuring financial discipline and sustainability through an empowered SSS workforce,” De Claro. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us