Nagbabala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa mga kandidato na gagamitin ang watawat ng Pilipinas bilang parte ng kanilang kampanya.
Ginawa ang pahayag ngayong simula na ang kampanya para sa Midterm Election 2025.
Ayon sa NHCP nakasaad sa batas sa ilalim ng R.A 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines na dapat bigyan ng respeto at pagpapahalaga ang ating watawat na simbolo ng pagka-Pilipino.
Hindi dapat ginagamit ang watawat ng pilipinas sa mga ads at campaign materials.
Umapela ang NHCP sa publiko na agad isumbong sa kanilang tanggapan ang kandidatong lalabag dito. | ulat ni DK Zarate