Mga senador, tiwala sa kakayahan ni bagong DOTr Secretary Vince Dizon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang mga senador na magagampanan ni bagong talagang Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang kanyang tungkuling pamunuan ang ahensya.

Nagpasalamat si Senadora Grace Poe sa pagtanggap ni Dizon ng napakalaking tungkulin sa isang kritikal na panahon.

Sinabi ni Poe na makakaasa si Dizon sa kanilang suporta para matugunan ang mga kailangan at masolusyunan ang mga isyu ng commuting public at ng transportation sector.

Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na ang malawak na karanasan ni Dizon bilang dating President and CEO ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Presidential Adviser for COVID-19 response ay makakatulong sa pamumuno nito ngayon sa DOTr.

Umaasa si Villanueva na matutugunan ng bagong kalihim ang problema sa traffic, pagtitiyak ng ligtas at episyenteng transportasyon, at pagsusulong ng transportation infrastructure sa bansa.

Para naman kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, may sapat na kaalaman at kakayahan si Dizon para makapaghatid ng kinakailangang efficiency at modernisasyon sa transportation system ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us