MMDA at Eastern Police District, magsasanib-pwersa sa clearing operations

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na lang Metro Manila Development Authority (MMDA) ang magsasagawa ng clearing operations, partikular sa mga Lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong, at San Juan.

Ito ay matapos kumpirmahin ni MMDA Special Operations Group-Strike Force Chief Gabriel Go na makikipagtulungan na rin sa kanila ang Eastern Police District (EPD).

Ayon kay Go, mismong EPD ang nag-alok na sumama sa mga operasyon laban sa mga iligal na nakaparadang sasakyan at iba pang sagabal sa mga lansangan.

Aminado ang opisyal ng MMDA na malaking tulong ito sa kanilang hanay, lalo’t may mga pagkakataong nagiging marahas ang ilan sa kanilang nasisita sa operasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us