Natapos na ang paghahasik ng terorismo sa Mindanao sa pagkamatay ni Myrna Sularte, alyas “Maria Malaya,” ang pinakamataas na lider ng Communist NPA Terrorists (CNT) at kalihim ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Si Sularte ay asawa ng dating lider ng Communist Terrorist Group na si Jorge “Ka Oris” Madlos.
Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, ang pagkamatay ni Sularte ay nagmarka ng bagong yugto sa hangaring makamit ang pangmatagalang kapayapaan hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.
Aniya, ito rin ang katarungang matagal nang hinihintay ng mga pamilya ng mga inosenteng Pilipinong naging biktima ng karahasan ng CTG.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Philippine Army sa mga Pilipino at iba’t ibang sektor na nakiisa sa “whole-of-nation approach” upang wakasan ang matagal nang komunistang terorismo sa bansa. | ulat ni Diane Lear