Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na kailangan nang repasuhin ang Party-List System Act, dahil tila aniya hindi na nasusunod ang tunay na intensyon ng naturang batas.
Ito ang tugon ng senate president sa resulta ng pag-aaral ng Kontra Daya na nagsasabing mahigit kalahati ng party list groups ay hindi kumakatawan sa marginalized at underrepresented sectors ng lipunan.
Pinunto ni Escudero na marami nang naging desisyon ang korte na nagpapatunay na hindi nasusunod ang tunay na diwa ng batas tungkol sa party-list system.
Aniya, animang pagrepaso sa party-list law ay dapat magsimula sa pagtukoy kung ano ang mga sektor sa ating lipunan ang nangangailangan ng representasyon o kinatawan sa kongreso.
Sinabi ng senador na kailangan munang kumpletuhin ang listahan ng mga sektor na bumubuo sa ating lipunan matapos nito ay alisin ang mga sektor na hindi dapat kasama sa listahan.
Saka aniya dapat pagdesisyunan ang proseso kung paano ihahalal ang mga dapat na kumatawan sa bawat sektor.
Sa pagkakaalam aniya ni Escudero, may mga naihain nang panukalang batas sa senado kaugnay ng pagrepaso sa Party-list System Law. | ulat ni Nimfa Asuncion