Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga elected officials na panatilihin ang pagpapatupad o pag-iiwan ng positive impact sa buhay ng kanilang mga nasasakupan, kahit pa nakababa na sila sa pwesto.
Sa 2025 League of Municipalities of the Philippines General Assembly na ginaganap sa Manila Hotel (February 12), kinilala ng Pangulo ang papel na ginagampanan ng mga local officials bilang first responder sa pamamahala.
Ayon sa Pangulo, ang mga alkalde ang nagsisilbing tulay na kumukunekta sa publiko at National Government, lalo na sa panahon ng pangangailangan.
“Our municipal mayors, you are the frontlines of governance. You are the first to hear the concerns of our people, the first to act on their needs, and the first to bear the weight of their expectations,” ayon sa Pangulo.
Binigyang-diin rin ng Pangulo na ang serbisyong publiko ay isang calling at lifelong commitment para serbisyuhan ang mga Pilipino.
“Today we are convened here as leaders and public servants who have dedicated our years and, in many cases our lives, to civil service. For many of us, this is a calling and it is a lifelong
commitment to serve our people,” -Pangulong Marcos.
Inihalimbawa nito ang kaniyang karanasan bilang isang local official sa Ilocos.
Sabi ng Pangulo, sa paglipas ng mga panahon, tanging ang pagharap sa mga hamon ang mananatiling hindi nagbabago.
Gayunpaman, ang oportunidad upang lumikha ng isang pangmatagalang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino ay mas higit pa sa anomang hamon na kahaharapin ng mga ito.
“Throughout these years, one thing has remained constant: The challenges before us are always great, but the opportunity to create lasting change is even greater.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan