Hindi dapat kalimutan ng bawat kandidato ang tunay na dahilan ng kanilang pagtakbo sa pwesto.
Ito ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sa gitna ng mainit na kampaniya o labanan para sa darating na eleksyon.
Sa 2025 League of Municipality of the Philippines General Assembly, sa Manila Hotel, ngayong hapon, sinabi ng Pangulo na batid naman ng lahat na nasa barangay level ang pinaka-mainit na eleksyon.
Ito ayon sa Pangulo ay dahil magkakakilala o magkakaanak ang karaniwang naglalabanan sa local post.
Gayunpaman, binigyang-diin ng Pangulo na kahit anong init ng laban at kahit anong anghang ng salita ang binibitawan ng mga kandidato laban sa isa’t isa, dapat pa rin alalahanin ng mga ito na ang puno’t dulo sa usaping ito, ginawa lamang nila ito para makatulong at makapag lingkod sa mga Pilipino.
“Huwag natin sana makakalimutan ‘yan. At pagakatpos ng halalan, alam ko kung minsan napakahirap na magpalamig ng ulo ulit. Ngunit kailangan nating gawin yun dahil kailangan natin ang lahat na mga gustong tumulong na magkapit bisig upang magtulungan.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan