Panibagong minor phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok pa rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa aktibidad ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa inilabas na bulletin ng PHIVOLCS, may naitalang maliit na phreatic eruption sa bulkan sa nakalipas na 24-oras at tumagal ito ng apat na minuto.

Nagkaroon din ng dalawang volcanic earthquakes kabilang ang isang volcanic tremor na tumagal ng 91 minuto.

Naitala naman sa 407 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre ang inilabas ng Bulkang Taal.

Ayon sa PHIVOLCS, nasa katamtaman ang naobserbahang pagsingaw sa bulkan na may 2,100 metrong taas.

Nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us