Kwinestyon ni 1Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez ang pagsama kay House Speaker Martin Romualdez sa kasong graft na isinampa kaugnay sa umano’y iregularidad sa 2025 national budget gayong hindi naman siya miyembro ng Bicameral Conference Committee.
Ito ang reaksyon ng kongresista kasunod ng pagsasampa ng kaso nila dating Speaker at Davao Rep. Pantaleon Alvarez at iba pang Duterte allies sa Office of the Ombudsman laban kina Speaker Romualdez at Ako Bicol Representative Elizaldy Co.
Ayon kay Gutierrez, bakit tanging mga miyembro ng kamawa ang isinama sa reklamo at wala ni isang senador na miyembro ng bicameral committee ang napasama sa kaso habang anya si Speaker Romualdez ay walang direktang partisipasyon sa bicam.
Ang Bicameral Conference Committee ay binubuo ng kinatawan mula sa Kamara at Senado na may tungkuling pagisahin ang bersyon ng panukalang budget.
Samatala, sa kabila ng kontrobersya, handa naman ang liderato ng Kamara na harapin ang kaso. | ulat ni Melany V. Reyes