Party-list solon, tinanggap na ang paumanhin ni Sen. Dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang paghingi ng paumanhin ni Sen. Bato Dela Rosa kasunod ng pahayag nito kaugnay sa kaniyang pisikal na pangangatawan.

Sa isa kasing pahayag ng senador ay tila ininsulto niya ang pisikal na kondisyon ng kongresista.

Ayon kay Cendaña isa siyang stroke survivor kaya’t nagkaroon ng pagbabago sa kanyang mukha.

Umaasa rin ang kinatawan na hihingi rin ng paumanhin ang senador sa iba pang stroke survivor na nasaktang sa kaniyang pahayag.

Magsilbi rin aniya sanang aral ang insidente na ito na gawing makatao ang diskurso sa usaping politika.

Giit pa niya na ang panawagan ng pananagutan ay hindi personal na atake kanino man kundi responsibilidad ng lahat ng mamamayan.

“I welcome Senator Bato’s apology. I hope he can also do the same to all stroke survivors who were hurt by his remarks. Hindi tayo balat sibuyas, pero ibang usapan when a public servant of such high position uses his voice to threaten people with violence and discriminate people with health concerns. Nawa’y magsilbi itong mahalagang aral, na ang tunay na lider ay hindi lamang may kapangyarihan kundi may malasakit, to keep our political discourse rationale and humane,” ani Cendaña | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us