Philippine Navy, nagsagawa ng send-off ceremony para delegasyon ng mga lalahok sa 5th Multilateral Naval Exercise KOMODO 2025 sa Bali, Indonesia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng send-off ceremony ang Philippine Navy (PN) para sa ‘Naval Task Group 84’ na lalahok sa 5th Multilateral Naval Exercise KOMODO (MNEK) 2025 sa Bali, Indonesia mula February 16 hanggang 22.

Pinangunahan ni Philippine Navy Vice-Commander Brigadier General Edwin Amadar ang seremonya sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales.

Ang Naval Task Group 84 ay pinamumunuan ni Philippine Navy Captain Malone Agudelo habang nasa ilalim naman ng pamamahala ni Philippine Navy Commander Johanns Cruzada ang BRP Ramon Alcaraz (PS16) na sasakyan ng delegasyon.

Nasa kabuuang 175 tauhan mula sa iba’t ibang unit ng Philippine Navy ang bahagi ng pagsasanay.

Hinati naman sa tatlong kategorya ang isasagawang mga aktibidad kabilang ang Fleet Activity, Maritime Hospitality, at Community Relations.

Ang Multilateral Naval Exercise KOMODO 2025 ay isang naval exercise na nilalahukan ng 31 bansa.

Layon nitong palakasin ang pagtutulungan sa humanitarian assistance at disaster response operations, gayundin ang pagpapalalim ng ugnayan sa mga hukbong dagat ng ASEAN at Indo-Pacific sa pamamagitan ng naval diplomacy. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us