Walang balak ang prosecution panel na hilingin ang pagpapatawag ng special session para ma-convene ang impeachment court.
Ayon kay Representative Rodge Gutierrez, miyembro ng prosekusyon, sa kaniyang personal na pananaw hindi magandang hakbang sa kanilang panig na hilingin ito.
Maaari kasi aniyang isipin na inuudyukan o iniimpluwensyahan nila ang Senate impeachment court.
“In my personal opinion, I dont think the prosecution team will make any moves in that manner. Hindi po kami mananawagan, if only for the simple reason na ayaw naming ma-misinterpret as trying to unduly interfere or influence yung yet to be convened impeachment court.”
Una nang sinabi ni Senate President Chiz Escudero, na wala siyang balak hilingin sa Pangulo na magkaroon ng special session. | ulat ni Kathleen Forbes