Ipinag-utos na ng Quezon City Schools Division Office ang pagpapaigting sa kampanya kontra dengue sa mga paaralan sa Lungsod Quezon.
Sa inilabas na memorandum, inobliga ni Schools Division Superintendent Carleen Sedilla ang mga paaralan na magpatupad ng preventive at proactive measures upang maibsan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa mga paaralan at komunidad.
Aniya, bago pa ideklara ang dengue outbreak ng Quezon City Government, aktibo na ang mga paaralan sa lungsod sa clean-up drive at health education.
Prayoridad aniya ang kalusugan ng mga mag-aaral, mga guro, at staff ng mga paaralan.
Umapela rin si Sedilla sa mga magulang at guardians na bigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa lamok. | ulat ni Rey Ferrer