Tahasang tinawag na fake news ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang mga balitang may kapalit na pera ang pagpirma ng mga kongresista sa impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Giit niya, parte na ito ng smear campaign ng mga DDS upang i-discredit ang proseso.
Naroon aniya siya nang ipaliwanag sa bawat kongresista ang articles of impeachment ay binigyan sila ng kalayaan na magdesisyon kung lalagda o hindi.
Wala aniyang anomang monetary o perang binigay o anomang pangako na pondo para AICS o AKAP.
“I think that’s just part of the yung mga fake news ng mga DDS, parte po yan ng smear campaign nila. To discredit the it, the movement. You can’t blame them. Alam naman natin nung sino amo nila. But no, there was nothing offered in exchange for the signatures. I was there in the room. Pinagusapan talaga ang articles of impeachment and then people were given the choice to sign or not. But whether there was any exchange or any monetary offer or any sinasabi nila may AKAP or AICS na kapalit, walang ganun na ibinigay.” Sabi ni Rep. Marcos. | ulat ni Kathleen Forbes