
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog sa Opeña St. cor. Mactan St. Brgy. Baclaran, Parañaque City.
Ang sunog ay naganap sa dikit-dikit na bahay sa tabi lamang ng Baclaran Church.
Ayon sa BFP 9:36 AM nang magsimulang tupukin ng apoy ang mga bahay na gawa sa light materials.
Makalipas ng 20 minuto dineklang kontralado na ang sunog na kalaunan ay dineklarang fire out ang sunog.
Walang naitalang nasaktan o namatay sa nasabing insidente. | ulat ni Don King Zarate