Mas pinalalakas pa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang paghahanda nito sa kalamidad.
Bumili ng 33 rescue boats ang LGU at ipinamahagi sa bawat barangay.
Kaya nitong magsakay ng apat na katao at epektibong magagamit sa rescue operations.
Nagkaloob din ng dalawang mobile water filtration truck ang city government para sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office sa 3S Center Ugong.
Ang mga trak na ito ay idinisenyo upang maghatid ng malinis na inuming tubig sa mga lugar na sinalanta ng sakuna.
Ang mga bagong kagamitan ay pinondohan ng LGU ng abot sa P8,740,000. | ulat ni Rey Ferrer