6 na dayuhan at 2 Pinoy na sangkot sa pang-eespiya, arestado — DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of National Defense (DND) ang pag-aresto ng mga awtoridad sa anim na dayuhan at dalawang kasabwat nilang Pilipino na sangkot sa pang-eespiya at kidnapping.

Ito’y kasunod ng ikinasang sanib-puwersang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Grande Island sa Subic, Zambales.

Sa inilabas na pahayag ng DND ngayong araw, ginawa ang operasyon para magsilbi ng warrant of arrest laban sa isang Ye Tianwu na kilala rin sa mga alyas na Qiu Feng at Qing Feng, dahil sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code at Cybercrime law.

Bukod sa Chinese national na si Ye, arestado rin ang lima pang kasaman nito na sina Xu Xining, Ye Xiaocan, Su Anlong, at He Penggayundin, at isang Cambodian national na si Ang Deck/Dick.

Kasama ring naaresto ang mga Pilipinong kasamahan nito na sina Melvin Mañosa Aguillon, Jr. at Jeffrey Espiridion na pawang tauhan ni Ang Deck/Dick.

Nakuha sa kanila ang iba’t ibang cellphone, laptop, isang caliber 9mm firearm at mga bala.

Nag-ugat ang kaso dahil sa pang-eespiya at pagdukot na may kaugnayan sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa isla.

Ang Grande Island ay mayroong istratehikong tanawin sa West Philippine Sea partikular na sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us