“Dodong”, “Kamote” at “Mango”, nadagdag sa mga alyas na dawit sa kuwestyunableng confidential fund ng OVP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumarami pa ang natutuklasang mga alias na dawit sa confidential fund ng Office of the Vice President.

Pagbabahagi ni House Deputy Majority Leader, kasabay ng patuloy na paghahanda ng prosekusyon sa impeachment trial ni VP Sara Duterye, natukoy limang indibidwal na may pangalang Dodong.

Partikular dito sina Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, and Dodong S. Barok.

Mayroon ding Jay Kamote at Miggy Mango na sinasabing nakatanggap ng kabayaran gamit ang confidential fund.

Ani Ortega, ang paglutang ng mga pangalang ito ay lalo lang nagpapatibay sa kaso laban sa pangalawang pangulo sa kaniyang maling paggamit sa pondo ng bayan.

“Una, may chichirya at cellphone. Ngayon, may prutas at kamote na. At higit sa lahat, mukhang ‘Dodong Gang’ na ito! Hindi lang isa, hindi lang tatlo—limang Dodong ang nasa listahan,” diin ni Ortega.

Tulad nina Mary Grace Piatos at Xiaome Ocho, wala rin record ng kapanganakan, kasal o kamatayan ang mga naturang langalan batay sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Anong klaseng payroll ito? Imaginary? Hindi natin matukoy kung totoong tao ba ang mga tumanggap ng perang galing sa CIF,” punto ni Ortega.

Diin ng mambabatas na hindi lang ito kapabayaan—ngunit maingat na planong paglustay sa pondo ng bayan gamit ang pekeng mga pangalan at liquidation. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us