Kawalang aksiyon sa EJK naging dahilan ng pagkakaaresto kay FPRRD — Malakanyang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang ibang dapat sisihin kundi si dating Pangulong Rodrigo Duterte SA kung bakit nagpursige ang International Criminal Court na papanagutin ito at maisagawa ang paglilitis sa dating lider.

Ayon Kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty Claire Castro, ang kawalang aksiyon sa mga kasong inirereklamo na may kaugnayan sa Extra Judicial Killings kung bakit humantong sa pagkaka- aresto Kay Duterte ang MGA kaganapan at nauwi sa pagdala sa kanya sa The Hague.

Matatandaan Ani Castro na bago ang pormal na pag- upo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kapangyarihan nuong June 2022 ay nagsabi na Ang prosecutor ng ICC na BIGO ang Duterte Administration na magsagawa ng imbeatigasyon at asuntuhin ang mga EJK perpetrators.

Dahilan ito upang magpatuloy Ani Castro ang ICC na ikasa Ang inquiry sa Extra Judicial Killings.

Sa Ngayon ay nasa kustodiya na ng ICC ang dating Pangulo at humaharap sa kasong  crimes against humanity. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us