Malacañang, ikinatuwa ang survey na nagsasabing mayorya ng mga Pinoy pabor na papanagutin si FPRRD sa EJKs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masaya ang Palasyo sa lumabas na survey na nasa 51 percent ng mga Pilipino ay pabor na panagutan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong asunto sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro, nakita nila ang nabanggit na survey na nagpapakitang mayorya ay gustong managot ang dating Pangulo sa naging pamamaraan nito sa war on drugs.

Napansin din nila ani Castro, na may undecided at hindi pa well informed sa sitwasyon kaya dodoblehin pa aniya nila ang kanilang pagtatrabaho.

Partikular na ang masawata ang misinformation, gayung maaaring marami pa ring naniniwala sa fake news na ipinakakalat lalo na sa mga panahong ito.

Isinagawa ng SWS ang survey kung saan ay 900 respondent ay mula sa balance Luzon, at tig-300 naman sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us