Malacañang, nagpaalala kay VP Sara sa tungkulin niya bilang Ikalawang Pangulo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat maisip ni Bise Presidente Sara Duterte ang obligasyon nito sa bansa.

Ito ang sinabi ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty Claire Castro sa gitna aniya ng tungkulin ni VP Sara bilang Bise Presidente.

Ayon kay Castro, dapat maisip ng Vice President na kailangan siya ng Pilipinas bilang ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Sa gitna nito ay nauunawaan naman aniya nila ang Pangalawang Pangulo at katanggap – tanggap ang sitwasyon at nararamdaman nito sa kasalukuyan.

Ganunpaman, dapat aniyang maalala ng Bise ang mga Pilipinong bumoto sa kaniya na kailangan niyang mabigyan ng serbisyo at mapagsilbihan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us