Mga kumakandidato sa QC, pinaalalahanang magpaskil lamang sa common poster areas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na opisyal, muling pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang mga kandidato na may Common Poster Areas sa lahat ng distrito sa Quezon City na itinalaga ng COMELEC sa panahon ng kampanya.

Kabilang dito ang Serbisyong Bayan Park sa Brgy. Batasan Hills na sakop ng District 2.

Ngayong umaga, halos puno na ang buong gate ng park ng campaign posters mula sa tumatakbong mga konsehal, at mga senador.

Lahat naman ng mga nakapaskil na tarpaulin ay nakasunod sa tamang sukat ng poster ang pinapayagan sa bawat kandidato.

Kahapon nagkasa na ng Oplan Baklas ang QC sa mga campaign posters na nakalagay sa mga ipinagbabawal na lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us