Nutrisyon, edukasyon, pinagsanib pwersa ng Taguig City sa isang aktibidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinatupad ng City Nutrition Office, City Social Welfare and Development Office, at City Library Office ang programa na tumatalakay sa nutrisyon at edukasyon sa iba’t ibang barangay ng Taguig City noong March 17, na may temang “Malusog na Katawan para sa Masiglang Kaisipan.”

Layunin nitong labanan ang learning poverty at malnutrisyon sa lungsod, alinsunod sa mga batas na sumusuporta sa feeding programs at literacy.

Sa storytelling session, itinampok ang librong “Naging Leon si Kuting” ni Eugene Y. Evasco, habang itinuro rin sa mga magulang ang tamang paghahanda ng masustansyang pagkain gamit ang konseptong “Pinggang Pinoy.”

Mahigit 50 bata sa bawat barangay ang lumahok, kasama ang kanilang mga magulang. Namahagi rin ng libreng pagkain at libro upang hikayatin ang malusog na pamumuhay at pag-ibig sa pagbabasa.

Patuloy ang suporta ng Taguig City sa edukasyon at kalusugan ng mga kabataan.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us