P1.2 B na halaga ng mga ipinagbabawal na produkto, nasabat ng BOC sa Malabon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang umabot sa P1.2 bilyon ang halaga ng mga nasabat na ipinagbabawal na produkto matapos ang isinagawang operasyon ng Bureau of Customs sa mga warehouse sa Malabon.

Sa pangunguna ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), natuklasan ng enforcement team ang malaking bulto ng mga pekeng produkto, kabilang ang disposable vapes na walang BIR tax stamps at DTI clearance, at iba pang hindi rehistradong kalakal.

Ayon kay MICP District Collector Rizalino Torralba, mahalaga ang patuloy na pagbabantay ng ahensya upang mapigilan ang pagkalat ng mga iligal na produkto na maaaring makasira sa mga lehitimong negosyo. Samantala, muling binigyang-diin ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang matibay na paninindigan ng BOC laban sa smuggling at counterfeiting.

Sa ngayon, nakaselyo na ang mga warehouse habang isinasagawa ang opisyal na imbentaryo. Nakatakda na ring ipalabas ang Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga nakumpiskang produkto. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us