Pentagon Chief, bibista sa PH sa susunod na linggo para sa pagpapalakas ng seguridad sa Indo-Pacific

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang darating sa bansa sa susunod na linggo si U.S. Secretary of Defense Pete Hegseth upang palakasin ang ugnayang militar at seguridad sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Pentagon, bahagi ang Pilipinas sa unang opisyal na pagbisita ni Secretary Hegseth sa rehiyon, na kinabibilangan din ng Hawaii, Guam, at Japan. Sa kanyang pagdating, makikipagpulong siya sa mga matataas na opisyal ng gobyerno at militar ng Pilipinas upang talakayin ang pagpapatibay ng kooperasyon para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific.

Bukod sa bilateral meetings, inaasahang makikipag-ugnayan din siya sa mga sundalo ng U.S. at Pilipinas, gayong nalalapit na pagsisimula ng taunang Balikatan exercises sa Abril.

Matapos ang Pilipinas, bibisita rin si Secretary Hegseth sa Japan para sa paggunita ng ika-80 anibersaryo ng Battle of Iwo Jima, kung saan siya ay makikipagpulong naman sa mga lider ng Japan at tropa ng U.S.

Mula nang itinalaga sa kanyang pwesto, ito ang unang pagkakataon na bumisita sa bansa at sa Indo-Pacific Region ni US DOD Sec. Pete Hegseth. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us