Senate President Chiz Escudero, tiniyak na maaaring humingi ng proteksyon mula sa senado si Sen. Bato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ni Senate President Chiz Escudero na nakausap na niya si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaugnay ng hiling nitong maprotektahan ng mataas na kapulungan sakaling may mailabas na Warrant of Arrest sa kanya ang International Criminal Court (ICC).

Matatandaang isa si Dela Rosa sa mga respondent sa kasong Crimes Against Humanity na kinakaharap rin ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Escudero, alinsunod sa institutional courtesy ay hindi papayagan ng senado na arestuhin ang sinumang miyembro nito sa loob ng senate premises, may sesyon man o wala.

Pinunto ng senate leader na hindi ito nakasaad sa batas kundi bahagi na ng tradisyon at rules ng mataas na kapulungan.

Nilinaw naman ni Escudero na hindi habang buhay kakanlungin ng senado ang sinumang senador na may kinakaharap na warrant.

Aniya, bibigyan lang ng sapat na panahon si Dela Rosa na makuha ang lahat ng legal remedy na pwede nitong gawin. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us