Sinisikap ng Department of Agriculture (DA) na mapabilis ang pagsisimula ng bentahan ng ₱20 kada kilong NFA rice sa Visayas.
Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., na sa unang linggo ng Mayo ang target na launching ng programa.
Sa lalawigan ng Cebu ilulunsad ang pilot run ng ₱20 kada kilong bigas.
Una nang inatasan ni Sec. Laurel ang National Food Authority (NFA) na simulan ang repositioning ng supply ng bigas sa Visayas.
Nasa tinatayang 600,000 bags ng NFA rice ang inisyal na inihahanda para sa Cebu. | ulat ni Merry Ann Bastasa