Umabot sa mahigit-kumulang 300 ang bilang ng mga lumahok sa katatapos lamang Run for a Cause ng 545th Engineer βPeace Seekerβ Battalion ng 54th Engineer βSarangayβ Brigade ng Philippine Army sa Ana Boulevard, barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu, ngayong Sabado, April 26 2025.

Tinakbo ng mga ito sa pangunguna ni BGen Alaric Avelino Delos Santos, kumander ng 1102nd Infantry βGanarulβ Brigade ang 10 kilometro na nagsimula 5:30 ng madaling araw, nasundan ng limang kilometro matapos ang 20 minuto na nag-umpisa at nagtapos sa Ana Boulevard.

Sa kabuuang bilang, mahigit 100 ang nagpatala para sa 10 km na nagbayad ng P700 registration fee. Habang, ang karamihan naman ay sa 5 km kasama na si BGen Delos Santos na nagbayad ng P500 kung saan ang pondong nalikom ay gagamitan sa pagpapatayo ng dalawang palikuran sa Sapang Elementary School sa barangay Kanmindus, Luuk, Sulu.

Nakuha lamang takbuhin ng 1st finisher, ang sumisikat na runner sa Sulu na si Khalid Arakan ang 10 km sa loob lamang ng 38 minuto at 15 seconds.

Pinasalamatan nito sa kaniyang mensahe ang kaniyang mga magulang, mga kasamahan sa Maimbung District Hospital kung saan siya nagtatrabaho bilang Respiratory Therapist, mga kaibigan, lokal na pamahalaan at iba pa na naging inspirasyon nito kaya kahit sinisipon siya hindi ito naging hadlang ng hindi niya pagsali.
Una rito, nasungkit ni Arakan ang kampeonato sa Camiguin 360 Ultramarathon 2025 sa age category na 25 hanggang 29 anyos at ika-anim na pwesto naman sa overall category sa loob ng halos 1000 kalahok mula sa 52 probinsiya sa lalawigan nung April 12-13 sa Camiguin Island. | ulat ni FATMA JINNO – DXSM RP JOLO