Inaasahan ng Department of Tourism na maaaring umabot sa 30 milyong turista ang inaasahang daragsa sa Pilipinas ngayong Holy Week.
Sa naturang bilang ay mapa-local o foreign tourist ay inaasahang magtutungo sa mga ipinagmamalaking tourist destinations sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco na nakahanda na ang kanilang kagawaran sa inaasahang dagsa nito at inatasan na niya ang regional operations upang pangasiwaan ang kanilang mga local tourist destinations.
Sa huli, muli namang siniguro ni Sec. Frasco na patuloy ang pag-alalay ng DOT sa mga turista sa iba’t ibang bahagi ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio