AFP at US Forces, nagtutulungan sa pagpapaabot ng serbisyo sa mga komunidad sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malapit nang matapos ang ipinatutupad na renovation sa mga silid-paaralan sa Brgy. Pulong Sampaloc Elementary School sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Ito ayon kay Communications Usec. Claire Castro ay bahagi ng Humanitarian and Civic Assistance Program sa ilalim ng Balikatan Exercises ng Pilipinas at Estados Unidos.

Layon ng hakbang na ito na gawing mas maaliwalas at kaaya-aya ang learning environment ng mga mag-aaral.

Sabi ni Usec. Castro, patunay rin ito ng commitment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng US Armed Forces upang makatulong sa mga lokal na komunidad sa bansa.

“Layon ng iaayos na classroom ang building na ito upang gawing mas maaliwalas at kaaya-aya ang learning environment ng mga mag-aaral. Patunay dito ito ang commitment ng AFP at ng US Armed Forces para makatulong sa lokal na komunidad.” -Castro

Samantala, nagsagawa ng isang community health engagement activity ang mga ito sa Barangay Dagupan Lal-lo, Cagayan, kung saan nasa 129 na residente ang nabigyan ng serbisyong medikal at dental examinations.

“Ang aktibidad ay bahagi rin, layon ng Balikatan Exercises na makatulong para mapalagi ang lokal na ekonomiya partikular sa aspeto na medikal at public health.” -Usec. Castro | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us