Aircraft carrier at surveillance ship ng China, namataan ng PH Navy sa Northern Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Philippine Navy na namataan nito ang aircraft carrier gayundin ang surveillance ship ng China sa karagatang sakop ng Northern Luzon.

Ayon kay Navy Spokesperson, Captain John Percie Alcos, kabilang sa mga naamataang sasakyang-pandagat ng China ang Shandong (CV-17), isang aircraft carrier na na-monitor sa layong 2.23 nautical miles Timog-Kanluran ng Babuyan Island.

Kasabay nito, isang Type 815A electronic surveillance ship (AGI-797) ang namataan sa layong 33 nautical miles Hilagang-Kanluran ng Dalupiri Island.

Sinabi ni Captain Alcos, na ito ang kauna-unahang pagkakataon na na-monitor ng Philippine Navy ang aircraft carrier Shandong sa naturang lugar.

Dahil dito, nagpadala na ng assets ang Naval Forces Northern Luzon para bantayan ang galaw ng mga barko ng Tsina sa naturang lugar.

Gayunman, sinabi ni Alcos na ang Babuyan strait kung saan nakita ang aircraft carrier ng China ay isang maritime corridor, ibig sabihin ay maaaring igiit ng mga dayuhang dumaaraan dito ang safe and innocent passage. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us