Itinaas na ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan ngayong araw matapos maitala kaninang alas 4:36 ng umaga ang phreatic eruption.
Ayon kay April Dominguiano, ang Resident Volcanologist ng PHIVOLCS Bulusan Volcano Observatory, umabot sa 4,500-metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan mula sa crater nito na napadpad west southwest ng bulkan.
Ang mga bayan ng Juban at Irosin ang maaaring maapektuhan ng mga abo at tinitingnan pa din aniya kung makarating ito sa mga bayan ng Bulan at Magallanes gaya noong pagputok nito noong June 12, 2022.

Nasa 53 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras at patuloy itong minomonitor ng nasabing ahensya para sa posibleng pagputok nito sa mga susunod na araw.
Nagbigay ng paalala ang PHIVOLCS sa publiko na iwasan ang pagpasok sa 4km at maging maingait din sa paglapit sa mga vents lalo na sa southeastern slopes ng bulkang Bulusan sa may barangay Mapaso ng Irosin at barangay San Roque ng Bulusan. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay
Juban MDRRMO JQERT (FB)