Alyansa senatorial candidate, isinusulong ang wastong nutrisyon para sa mga magaaral

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais isulong ni Senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay ang libreng masustansyang meryenda at pagkain sa mga paaralan upang matugunan ang kakulangan sa nutrisyon ng mga estudyante.

Ayon kay Binay, mahalaga ang tamang nutrisyon upang mapabuti ang pag-aaral ng mga bata sa eskwelahan.

Mahihirapan aniyang matuto ang mga estudyante kung sila ay gutom at kulang sa nutrisyon, kahit pa mahusay ang kanilang mga guro at kumpleto ang gamit sa pag-aaral.

Aniya, kailangan umano ang sama-samang pagkilos ng national at local government, barangay, at pribadong sektor upang maisakatuparan ang nationwide feeding program para sa mga mag-aaral.

Ibinahagi rin niya ang Project FEED (Food for Excellent Education and Development) na inilunsad sa Makati noong Marso 2023. Sa ilalim nito, nagbibigay ang lungsod ng libreng masustansyang meryenda sa mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 6, katuwang ang DOST.

Dagdag pa niya, layunin din ng programa na matulungan ang mga magulang na hirap mag-budget.

Binigyang-pansin din ni Binay ang kahalagahan ng nutrisyon mula pa sa pagbubuntis. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us